fil 101 ANG WIKA
Ang Wika ang nagsisilbing daan upang magkaintindihan at magkaisa ang bawat tao , ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan o instrumento sa mabisang pagpapahayag ng iniisip at nararamdaman ng tao. Ang wika ay importante at binubuo ito ng mga katangian; Tunog-unang natutuhan ang tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa pag-sulat na paglalahad,niririprisinta ng mga titik. Arbitaryo-maraming tunog na binibigkas at maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin. Masistema-pagsama-samahin ang tunog ay makabuo ng makabuluhang yunit ng salita.ang sistema ng wika ay nakasalalay sa antas na taglay nito.Ang antas ay patungkol sa tunog,sa yunit ng salita o kayarianng pangungusap. Sinasalita-nabuo ang wika sa tulong ng ibat-ibang sangkap ng pananlita tulad ng labi,dila,ngipin,ilong,ngalangala at lalamunan. Nagbabago-dahil sa patuloy ng pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago. Malikhain-ang wika ay isang mabisang paraan ng pag-unlad ng bansa