fil 101 ANG WIKA

Ang Wika ang nagsisilbing daan upang magkaintindihan at magkaisa ang bawat tao , ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan o instrumento sa mabisang pagpapahayag ng iniisip at nararamdaman ng tao.


Ang wika ay importante at binubuo ito ng mga katangian;

Tunog-unang natutuhan ang tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa pag-sulat na paglalahad,niririprisinta ng mga titik.

Arbitaryo-maraming tunog na binibigkas at maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin.

Masistema-pagsama-samahin ang tunog ay makabuo ng makabuluhang yunit ng salita.ang sistema ng wika ay nakasalalay sa antas na taglay nito.Ang antas ay patungkol sa tunog,sa yunit ng salita o kayarianng pangungusap.

Sinasalita-nabuo ang wika sa tulong ng ibat-ibang  sangkap ng pananlita tulad ng labi,dila,ngipin,ilong,ngalangala at lalamunan.

Nagbabago-dahil sa patuloy ng pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago.

Malikhain-ang wika  ay isang mabisang paraan ng pag-unlad ng bansa

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito